Advertisers
Patay ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo nang sumalpok sa isang trailer truck sa Maynila.
Naganap ang aksidente sa kahabaan ng San Marcelino Street at UN Avenue sa Maynila
Ayon sa driver ng truck, nagulat na lang siya nang biglang nakarinig ng tunog na may bumangga sa trak.
Base sa imbestigasyon, posibleng tinangka ng driver ng motorsiklo na lumampas sa red light.
Samantala, pansamantalang isinara ang daan patungo sa San Andres dahil nagsasagawa ng clearing operation ang mga awtoridad.