Advertisers

Advertisers

Ex-Mayor Sajid Ampatuan kulong ng 128 years sa katiwalian

0 208

Advertisers

HINATULAN nitong Lunes ng Sandiganbayan si dating Mayor Datu Sajid Islam Ampatuan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ng halos 128 years na pagkakulong para sa multiple counts ng graft at malversation.

Napatunayan ng First Division ng anti-graft court na si Ampatuan ay “guilty beyond reasonable doubt” sa 4 counts graft at 4 counts complex crime ng malversation sa pamamagitan ng pagpeke sa public documents para palabasin na ang P79 million halaga ng government funds ay ginamit sa pagbili ng food supplies tulad ng sardinas, brown sugar, at dried fish mula sa tatlong magkakaibang suppliers pero wala namang naganap na pagbili.