Advertisers
GUSTO parin manatili ni dating Senador Leila De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa kabila ng nangyaring pangho-hostage sa kanya sa tangkang pagtakas ng tatlong miyembro ng Abu Sayyaf nitong Linggo.
Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., kinausap niya si De Lima matapos mag-alok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilipat siya ng detention facility.
Pero sinabi, aniya, ni De Lima na mas ligtas parin ang pakiramdam niya sa custodial center sa kabila ng nangyari.
Ayon sa PNP Chief, pansamantala nagpapahinga si De Lima sa PNP General Hospital habang inaayos ang mga pasilidad sa Custodial Center.
Samantala, kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tulong ng forensics group ang insidente upang madetermina ang lapses in security.
Sinabi ng PNP Chief na rerepasuhin nila ang security protocols sa Custodial Center para hindi na maulit ang insidente.
Inalis narin sa puwesto ang hepe ng PNP Custodial Facility.