Advertisers

Advertisers

Singil sa kuryente bababa ngayong Oktubre – Meralco

0 139

Advertisers

INANUNSYO nitong Lunes ng Manila Electric Co. (Meralco) na bababa ang kanilang singil sa kuryente ngayong Oktubre.

Batay sa abiso ng Meralco, P0.073 kada kilowatt hour ang tapyas sa singil sa kuryente para sa October billing.

Katumbas umano ito ng P15 bawas sa mga may konsumong 200 kwh, P22 sa konusmong 300 kwh, P29 sa konsumong 400 kwh, at P36 sa konsumong 500 kwh.



Ang bawas-singil ay dahil umano sa utos na kaltas sa Feed-in-Tariff Allowance (FIT-All) o singil na napupunta sa mga renewable energy source.

Ipinagmalaki naman ng Meralco na mas mababa pa ang overall rate ngayon kompara noong 2012, 2014 at 2018.



“That’s 7.5 percent lower. Why are we showing this? Because we want to show that we have managed to bring down the cost over the years,” ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga.

Wala pang epekto ang desisyon ng Energy Regulatory Commission sa pagbasura ng hirit na dagdag-singil ng 2 planta ng San Miguel Corp. (SMC) pero nanindigan ang Meralco na kapag kumalas ang SMC sa kontrata ay mas malaki ang dagdag-singil na mararanasan ng mga kostumer.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">