Advertisers
Patay ang isang lalaki nang barilin ng kainuman nitong pulis nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan nitong Huwebes, Disyembre 8 sa Cagayan de Oro.
Kinilala ang biktima si Drixel Tumbaga y Abellanosa, nasa hustong gulang; habang nadakip naman ang salarin na si PSSG Junlit Raboy Lubino, nakatalaga sa Jasaan Municipal Police Station, Misamis Oriental, at kapwa residente sa Zone 3 lower Brgy Agusan, Puerto Cagayan de Oro City.
Ayon kay PMAJ Peter Tajor, Station Commander ng Police Station 6 Puerto, 12:00 ng hapon ng maganap ang krimen sa nasabing lugar.
Sa report, nag-iinuman ang biktima at salarin kasama ang isang Norberto G. Sabunot ng magkaroon ng diskusyon na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Dito, agad na binunot ni Lubino ang kanyang baril at binaril sa dibdib ang biktima.
Agad naman isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa Puerto Community Hospital, Puerto, Cagayan de Oro City subali’t idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.
Nadakip naman si Lubino ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at nakuha kay Lubino ang service firearm nitong Glock 17 9mm cal. PNP 32135, 14 Live ammunition, 1 magazine at 1 fired cartridge.
Nasa kustodiya ngayon ng Police Station 6 Puerto si Lubino at posibleng maharap sa kasong pagpatay at administratibo.(Mark Obleada)