Advertisers

Advertisers

MANDALUYONG KARATEDO, HAKOT-MEDALYA SA CEBU

0 136

Advertisers

NAMAYAGPAG ang MANDALUYONG KARATEDO TEAM, humakot ng awards na 6 gold at 3 silver medals sa 2023 OKAZAKI CUP OPEN KARATEDO CHAMPIONSHIP na ginanap sa Cebu City, February 4-6.

Magandang regalo ngayong bungad ng taon ng MANDALUYONG SPORTS DEVELOPMENT OFFICE (MSDO) ang bagong inspirasyon sa mga kabataang atleta ng lungsod sa kanilang patuloy sa pagsubaybay, paghubog at pagtuklas ng mga talento sa palakasan, isang makabuluhang participation sa lipunan sa objective na iwas-droga at focus sa Sportspara palutangin ang kakayahan ng Pinoy Athletes.

Isa pa ring worthy project ang inilunsad kamakailan para sa mga Atletang Mandalenyo, ang MANDALUYONG FENCING PROGRAM ‘FREE FENCING CLASS’. Ilan sa special guests sina PSC Commissioner WALTER TORRES, National Fencing Coach ROLAND CANLAS, FENCING PHIL TEAM Coach SAM and JUSTIN at ATENEO DE MANILA UNIVERSITY Fencing Athlete MIGGY BAUTISTA led by Mayor BENJAMIN S. ABALOS, SR., Vice-Mayor MENCHIE A.ABALOS at Coun. BENJIE ABALOS katuwang sina In-House Coach ARIEL MONTINOLA, ANYTIME FITNESS manager Sir IGOR at ANYTIME FITNESS owner FE VALDEZ and family.



Ang MSDO ay may tanggapan sa 2nd floor, Executive Building, Maysilo Circle, Barangay Plainview, Mandaluyong City na ang timon ay hawak ni former Councilor NOEL ‘Big Daddy’ BERNARDO, anak ni Olympian at PBA veteran NARCISO ‘CISO’ E. BERNARDO. More power po and more medals to grab. Kudos!

SIDELIGHTS: ONLINE CLASS,
MAY PUYATAN BLUES
KAHIT may face-to-face class na ngayong lumambot ang pandemic blow, hindi pa rin pala makahinga halos sa pagharap sa pag-aaral ang mga estudyanteng tambak ang projects para bunuin sa computer works hanggang bahay.



Mantakin po ba na madalas walang tulog, diretso sa klase kinabukasan kahit ilang gabing ‘walang tulugan’ para kumpletuhin o sundan ang searching galore sa mga pakimkim na assignments ng teachers. Kailangan po ba talaga na pahirapan blues ang danasin ng mga estudyante ngayon o iilang guro lang ang may ganyang practice?

Ngayon po natin nai-imagine ang hirap na pinagdaanan ng mga nabalitang ‘suicide victim students’ na di nakatagal o naka-cope up sa sistema ng pandemic class. Nakalulungkot lang na hanggang ngayon, subsob pa rin sa sistema ang mga mag-aaral.



Lahat po kaya ng guro ay ganun katindi magbigay ng pasanin sa mga batang-mag-aaral sa high school at college? Huwag naman po sanang ‘puyatan to the max’ na sangkot ang health concerns nila.

Hindi rin po lahat ng estudyante ay naa-assist ng mga magulang, particular ang working moms especially ang mga OFW. Sana lang po ay mabigyan ng pansin ng Department of Education (DepEd) at ilang concerned officials.

FEBRUARY CHEERSS
HAPPY BIRTHDAAY to VALIENTE ‘VAL’ F. ROCO of Bataan,ANGELINE F. RAQUEPO of Arellano University Plaridel Campus (AUPC),REGINA M. PALAD of AUPC and VALERIE ROCA of Laguna. Best blessing be showered upon you. HAPPY READING!