Advertisers

Advertisers

2 ‘persons of interest’ sa killers ng hepe ng pulisya sa Bulacan

0 159

Advertisers

SINISILIP ng mga awtoridad ang dalawang ‘persons of interest’ sa pagpatay sa isang hepe ng pulisya sa Bulacan, na nasawi sa pamamaril ng mga magnanakaw nitong nakaraang linggo.

“Sa ngayon dalawa po ‘yung persons of interest na sinusubaybayan ng kapulisan natin,” pahayag ni Major Norheda Usman, public information officer ng Bulacan Provincial Police Office, nitong Martes.

Sinabi ni Usman na ipinalabas ang cartographic sketch ng suspek sa pagpatay kay San Miguel Municipal Police Station chief, Lt. Col. Marlon Serna, at ipinakalat narin sa social media, bagama’t hindi pa ito beripikado.



Sumama si Serna sa pursuit operation gamit ang sariling sasakyan matapos makatanggap ang kanyang opisina ng ulat ng pagnanakaw sa Barangay San Juan, San Miguel 9:30 ng gabi nitong Sabado, sabi ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police.

Sa report, 10:30 ng gabi, nakaengkwentro nina Serna ang mga magnanakaw pero kaagad silang pinagbabaril nang subukan nilang hulihin. Napuruhan ang opisyal at kaagad nasawi.



Ipinag-utos na ni BGen. Jose Hidalgo Jr., regional director ng Central Luzon Police, ang masusing imbestigasyon sa pagkapatay kay Serna. Inanunsyo rin niya ang pabuyang P1.2 milyon sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">