Advertisers
Ni JOE CEZAR
SA “Magandang Buhay” kamakailan, nagsalita na ang young aktres na si Andrea Brillantes tungkol sa hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero.
Aniya mula sa puso ng aktres, “tingin ko ay okay naman siya. I mean it could be worse sa mga nagaganap ngayon. Puwedeng wala rin ako rito today kasi hindi ko kayang humarap sa mga tao. Pero tingin ko naman po sa lahat ng nagaganap ay okay siya ngayon.”
Free na kaya siya sa ngayon?
“Parang hindi pa po ako malaya, fully.”
Pagpapaliwanag nito, “tingin ko po kasi kapag sinabing freedom, may part doon ng acceptance. Kasi naa-accept mo na na kailangan mo ng i-let go ang mga bagay-bagay. Ako po kasi, aminado ako na since ang bago-bago pa lang po talaga ng lahat, at alam mo ‘yon naging totoo kasi sa akin lahat. Ako nagmahal ako ng totoo, hindi ko ‘yon male-let go agad-agad.”
Dagdag pa ng aktres, “so hindi ko masasabing malaya ako ng 100% kasi may mga bagay pang ayaw ko pang pakawalan and may mga bagay pang pino-process ko pa. Kasi ganun naman talaga. Normal lang naman na dapat ay namnamin ko ang mga feeling na ito para makapag-heal ako ng maayos.
“Ayaw ko naman maging pretentious na maki-trend lang na I’m unbothered, para lang masabi na unbotheredly. Aminado ako na nakakaramdam ako kasi tao pa rin po ako.”
Sa ngayon, nasa state of mourning ang puso nito ganun pa man, pinipili pa rin niya maging maligaya.
“Kahit gusto kong magsalita ay pinipili kong huwag na lang, para walang gulo. Kahit ang dami kong gustong gawin ay pinipili kong piliin na lang ang sarili ko at mag-focus sa kung ano ang mayroon ako at sa mga taong nagmamahal sa akin.”
Sina Andrea at Ricci ay nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo noong Abril.
Ang “Magandang Buhay” ay hosted nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Regine Velasquez-Alcasid.
***
“WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS”, PATULOY ANG PAGTAAS NG TV RATINGS!
WAGI na naman sa TV ratings ang action-comedy series ng GMA, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” nitong June 11.
Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent. Patuloy ang pagsuporta ng Kapuso viewers na linggo-linggong sinusubaybayan ang programa.
“Every Sunday lagi ko pong pinapanood si Senator Bong Revilla sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Idol na idol ko po kayo Senator Bong Revilla mula noon hanggang ngayon. God bless po.”
Hirit naman ng isa pang supporter, “Inaabangan ko lagi ‘yan, Idol! Congratulations po, Tolome!” Patuloy na subaybayan ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.