Advertisers
BANGKAY nang lumutang sa ilog sa Wao, Lanao del Sur ang isang pulis na ilang araw nang nawawala.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Jeffrey Dabuco, 31 anyos.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may ibang gumawa sa nakitang sugat sa ulo ng biktima.
“Last siyang nakita sa loob ng kanyang quarters sa patrol base,” pahayag ni Police Major Joann Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office-10.
“Importante na ating tingnan at malaman kung ano ba talaga ang nangyari before, during, and after na nadeklarang missing siya,” dagdag niya.
Inilagay na sa restrictive custody ang siyam na pulis na kasama ni Dabuco bago ito nawala.
Tinitingnan ng mga awtoridad ang iba’t ibang anggulo ng motibo katulad ng personal na galit.
Isasailalim sa autopsy ang bangkay ni Dabuco upang malaman kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.