Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
APAT na ang Pilipinang Miss Universe natin; sina Gloria Diaz (1969) Margie Moran (1973) Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018), at sa gaganaping Mrs. Universe 2023 ay si Arlene Cris Damot na kaya ang kauna-unahang Pinay na makapag-uuwi ng korona?
Si Arlene ang representative ng Pilipinas sa nabanggit na beauty pageant sa Linggo, October 8 sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts Manila sa Pasay City.
Ano ang masasabi ni Arlene na dumarami na ang mga pageant para sa mga misis?
“Actually, it’s a very good thing, siyempre for the mothers like me, maipapakita nila yung confidence nila, as well as na parang even though we’re a mom already and we have kids, we can still showcase our beauty and talents,” pahayag ni Arlene.
Kapag pinalad siya sa Mrs. Universe, ano ang susunod niyang plano?
“We’ll see,” at tumawa si Arlene.
Unang pageant ni Arlene ang Mrs. Universe Philippines at simula pa lamang ng journey nila ay supportive na ang Malaysian husband niya na co-owner din ni Arlene ng beauty clinic bilang Royal Aesthetics Clinic na may anim na branches sa Pilipinas.
“Five years na po ang clinic namin, we have a clinic in Multinational Village in Paranaque, then in Bacoor, Cavite, SM Imus, SM North, SM Las Pinas and SM Baliuag Bulacan, 6 branches po.”
“Actually, very full support, everywhere I go nandiyan talaga si husband and I’m very grateful.”
May dalawa silang anak na lalaki, isang thirteen at isang eight years old.
***
MABILIS ang panahon; fourteen years ago nang i-launch ng GMA si Carla Abellana bilang Rosalinda.
At ngayon, isa na sa mga reyna ng Kapuso Network ang aktres.
Marami pa raw nais gawin si Carla bilang artista.
“Whether sa pelikula or sa teleserye, marami pa po akong hindi nakakatrabaho.
“In terms of mga hindi ko pa nakaka-trabaho, dun po ako e, more than sa role. Dun sa hindi nakakatrabaho, mas dun po ako nae-excite.
“Alam naman po natin na sa industriya natin, mas maliit po ang chance na maka-trabaho namin ang ibang artista pa na hindi ka-same network.
“So, dun po ako nae-excite. Yun po ang parte ng aking wish list or bucket list. Magkaroon po ako ng chance na makatrabaho sila, lalo na mga leading men pa.”
Hindi na nakakagulat ang sagot ni Carla kung sino sa mga male actor natin ang nais niyang makatrabaho.
“Ay, isa po sa pangarap ko, Piolo Pascual po!
“Piolo Pascual po, whether pelikula or teleserye, kahit ano po.
“Pero yun nga po ang sabi ko, exciting ang ating industry ngayon. At least, may mga ganung opportunities na nagko-co-prod na po ang ating mga network ngayon.”
At dahil ang namamahala na ng career niya ay ang All Access to Artists o Triple A, hindi rin imposible na makatrabaho ni Carla sina Marian Rivera at Maine Mendoza na nasa pangangalaga rin ng Triple A.
“Sana po kahit isang social media post lang with Ms. Marian Rivera at Maine Mendoza. Hindi naman po kailangang full project,” nakangiting wika pa ni Carla na nais din daw pagtuunan ang pagho-host.
“Sana whether variety show or big pageant po ulit.”