Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA pamamagitan ng kanyang show na Unplugged ay nakapanayam ni Julius Babao ang dating child star na si Jiro Manio nang bisitahin niya ito sa isang rehabilitation center sa Bataan kung saan nagtatrabaho ito ngayon doon bilang isang co-facilitator sa DOH Treatment and Rehabilitation Center.
Ipinakita ni Jiro kay Julius ang kanyang pinagkakaabalahan sa naturang rehab.
Kwento ni Jiro, doon din siya umano dinala noong siya ay nalululong pa sa ipinagbabawal na gamot.
Bagama’t nakararamdam ng pagka-miss sa kanyang pamilya, hindi rin siya makauwi dahil sa kanyang seguridad.
“Baka huntingin ako, or baka gumawa ng hindi maganda.”
Naikwento rin niya ang naging kontrobersyal na paglalaboy niya umano noon sa isang airport sa bansa.
“Nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan sa bahay namin. ‘Yun po yung maraming balita po ‘yun na gumamit ako ulit, tapos, yung epekto ng dr?gs tumama sa functions ko. Hindi ko maisipan, bakit ba ako nandito. Hindi e, wala e, yun ang trip ko. Lumalaban yung epekto ng dr?gs. Para pong lason. ‘Yun ang naging epekto sa’kin,” aniya pa.
Nangangako naman si Jiro na hinding-hindi niya na babalikan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Napanood namin ang interview ni Jiro kay Julius, at napansin namin na mukhang magaling na siya talaga.
Hindi na kasi siya lutang kausap, unlike noong gumagamit pa siya ng bawal na gamot, ang layo ng mga sagot niya sa mga tanong sa kanya, nung na-interview siya.
Sana nga ay talagang hindi na balikan ni Jiro ang paggamit ng droga. Dalawang beses na kasi siyang na-rehab dahil sa muling paggamit noon ng bawal na gamot. Sana nga ay tuluyan na siyang magbago.
***
SA interview ni Ogie Diaz sa motivational speaker na si Rendon Labador, humingi ito ng pasensiya sa mga artistang nasaktan niya dahil sa pagbibigay niya ng masamang komento sa mga ito tulad nina Michael V, Vice Ganda, Ion Perez at iba pa.
“I am apologizing,” simulang sabi ni Rendon
Pagpapatuloy niya, “I’m trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Iyon din naman yung regret ko talaga. I’m trying to be better.
“So kung nasaktan ko man kayo, kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V. I’m apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo. Hindi ko kayo dini-discredit. I’m thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas,” aniya pa.
At least marunong tumanggap ng pagkakamali si Rendon at magawang mag-apologize after, di ba?