Advertisers
INALIS sa puwesto ni Police Colonel Hector Enage, Provincial Director ng Southern Leyte Provincial Polie Officer, ang isang pulis nang mag-viral ang video na nagtatamin ng sigarilyo builang ebidensiya sa isang tindahan sa Maasin City, Southern Leyte.
Knilala ang pulis na si Corporal Ruel C. Arot, ng Barangay Hanginan, Maasim City na nakatalaga sa Limasawa Municipal Police Station.
Ayon kay Enage, nag-viral ang pagtatanin ni Arot ng sigarilyo bilang ebidensiya sa isang sari-sari store sa Brgy Magallanes, Limasawa, Southern Leyte, Sept. 30, 2023.
Nabatid na ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo sa mga pampulikong lugar, mga tindahan at paninigarilyo sa nasabing municipalidad.
Sinabi ni Enage, sa sandaling mapatunayan nagkasala si Arot ay sasampahan ito ng kasong administratibo at kriminal.
Hinikayat pa ni Enage ang publiko na agad isumbong ang sinoman lumalabag sa batas sa pinakamalapit na police station, at pagtiyak na hindi nito kukunsintihin ang mga tiwaling o abusadong pulis. Maaring tumawag o ipagbigay impormasyon sa Hotline number 0997 874 1433 or 0998 598 6524 at landline no (053) 570-2964.(Mark Obleada)