Advertisers

Advertisers

LIMA(5)TAON ‘KALABOSO’ AT PHP 40,000 MULTA LABAN SA ‘BOMB JOKERS’

0 11

Advertisers

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may kaakibat na parusang lima (5) taon pagkakakulong at multang 40,000 libong piso ang sinumang indibidwal na gumagawa ng ‘bomb jokes’ o nananakot partikular sa mga paliparan ng bansa.

Ito ang naging babala ng CAAP kasunod ng nangyaring bomb joke dahilan upang mabulabog ang mga pasahero ng eroplano ng Cebu Pacific kung saan 10 domestic flights ng CebuPac at iba pang airlines ang naapektuhan mula at papunta ng Bicol international Airport (BIA) noong lunes.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, base sa ipinatutupad na batas o ang Presidential Decree 1727, ang pagbibiro ng pagsabog o Bomb Joke ay may kaukulang parusa



Habang sa bomb threat naman o pananakot na magpapasabog ng bomba sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020 o Republic Act 11479 ay may parusang limang (5) taon na imprisonment.

Dagdag pa ni Apolonio nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa naturang ‘bomb joke’ at mapanagot sa perwisyong idinulot nito sa nasabing paliparan kung saan ay libo-libong pasahero at ilang airline company ang naapektuhan nang pananakot.



Samantala, iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sinuspinde ng Batanes’ Basco Airport ang general aviation flights nito ngayong araw habang ang Bagyong Jenny (international name: Koinu) ay tumama sa lalawigan.

Sa kabila ng lagay ng panahon, ang PAL Express flight GAP 2932/GAP 2933 ay nakarating ngayong 7:20 AM na may 45 pax at umalis sa airport ng 9:03 AM kasama ang 38 pax.



Nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng paliparan sa mga kinauukulang ahensya at Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC). Napanatili ng bagyong Jenny ang lakas nito sa Philippine Sea noong Martes habang ang Batanes ay nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2. (JOJO SADIWA)