Advertisers
TADTAD ng taga at walang buhay nang matagpuan ang magkapatid na lalaki sa sagingan matapos pagtatagain ng kanilang bayaw na pinaringgan ng mga ito na papatayin sa La Castellana, Bacolod city.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jason Moreno, 29 anyos; at kapatid niyang si Lito Moreno, 24, kapwa magsasaka at residente ng Canlaon City, Negros Oriental.
Sumuko naman sa pulisya ang salarin na bayaw ng mga biktima na si Jeffrey Landeza, 32, nakatirarin sa nasabing lugar.
Sa report ng La Castellana Police Station, 9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng magkapatid sa sagingan sa Purok 5, Sitio Mantuhod, Brgy. Cabacungan ng naturang bayan.
Sa report, niyaya ng magkapatid na Moreno ang salarin na ulingan subali’t habang nasa daan bigla na lamang umano nagparinig ang magkapatid na papatayin nila ito.
Dahil dito, inunahan ni Landeza ang mga biktima, pinagtataga ang mga ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Matapos ng krimen, umuwi si Landeza sa kanilang bahay at sinabi sa kanyang misis na kapatid ng mga biktima ang pangyayari saka ito isinuko sa pulisya.
Nakakulong ngayon sa La Castellana-PNP si Landeza na nahaharap sa 2 counts ng pagpatay.
Napag-alaman na matagal nang may kinikimkim na galit ang magkapatid kay Landeza.