Advertisers
SUGATAN ang 2 pulis, kabilang ang sakay nitong preso at mga pasahero ng van, nang mabangga ng mobile patrol ang van sa Purok 6, Barangay Ampayon, Butuan city, Linggo ng umaga.
Kinilala ang mga sugatan na sina PSSgt Saulo Loreto, 42 anyos, driver ng police patrol mobile; PSSgt Paul Abad, 45; presong si AJ Reginald Kiem, 26, mula sa Barangay Los Angeles.
Sugatan din ang 12 pasahero ng van kabilang ang driver na si Alwin Guillen, 35, ng Purok 6, San Juan, Madrid, Surigao del sur.
Ayon sa Butuan City Police Office, galing ng Butuan Medical Center ang mobile patrol para sa medical examination ng presong si Kiem, habang tumatakbo sa national highway kasabay ng malakas na ulan nakabanggaan nito ang van kungsaan nasira ang harapang bahagi sa dalawang sasakyan.
Dinala ang mga biktima sa Agusan Del Norte hospital sa Butuan.