Advertisers

Advertisers

Ploy lang si Speaker Romualdez…‘SI SEN. IMEE ANG MANOK NI PBBM SA ‘28’

0 22

Advertisers

NANINIWALA ang labor leader, Atty. Luke Espiritu, na si House Speaker Martin Romualdez ay hindi kakasa sa pinakamataas na puwesto sa 2028 presidential elections.

Sinabi ni Espiritu na ang usap-usapan sa pagtakbo ni Romualdez sa panguluhan ay napakaaga pa, at naniniwala siyang ang huli ay umaakto lamang na “lightning rod” para itago ang tunay na kandidato mula sa mga kalaban sa politika ng mga Marcos.

“For tactical reasons, it will really be a bad tactical move na you do not conceal your intentions in that manner,” sabi ni Espiritu sa panayam ng “PolitiSkoop” sa Politiko.com.ph.



“Napapansin ko kasi na yung mga early declarant ng ganyan ay maagang target. Kaya nga yung pinag-usapan nila si Martin Romualdez? Siya daw ang tatakbo bilang presidente? Alam ko na alam mo na may duda ako na ‘yan ay totoo,” dagdag ng abogado na natalo sa pagtakbong senador sa nakaraang halalan.

Binanggit ni Espiritu ang posibilidad na si Senador Imee Marcos ang talagang presidential candidate ng kasalukuyang administrasyon at ang kanyang relasyon sa mga Duterte ay para lamang makaungos sa diskarte at mga kilos ng kanilang kalaban sa politika.



“Pagka malapit ka sa enemy mo o sa potential rival mo, well you will get a lot of benefits,” sabi ni Espiritu.

Aniya, bagama’t si Senador Imee ay nagdeklara ng solidong suporta sa mga Duterte, naniniwala si Espiritu na ang kilos ni-yang ito ay kunwari lamang para maitago ang kanyang tunay na intensyon bilang kanyang katunggali at ang mga pagtuligsa sa Romualdez ay walang kabuluhan.



“Educated guess lang, si Imee Marcos ‘yan,” giit ni Espiritu.

“Wala ka naman nakikita na sila ay naghiwalay at nag-away politically. Tapos deklarasyon lang—kasi ang mga deklarasyon, it costs nothing,” dagdag niya.

Pinaalala ni Espiritu na ang mga Marcos ay hindi bago sa power plays sa politika tulad ng ginagawa noon ni yumaong diktador Presidente Ferdinand Marcos, Sr., ang ama nina Imee at Bongbong.