Advertisers

Advertisers

Shabu sa saging ipupuslit sa piitan, buking

0 5

Advertisers

KALABOSO ang isang lalaki na may dadalawin lang sanang nakadetine sa Minglanilla Municipal Jail sa Cebu nang mabisto ng mga bantay na may palaman na shabu at foil ang mga bitbit niyang saging.

Kinilala ang naaresto na si John Paul Celedoña, 28 anyos, residente rin sa nasabing munisipalidad.

Ayon sa awtoridad, nagtungo sa piitan si Celedoña nitong Lunes na may dalang mga saging para ibigay sa dadalawin niyang lalaki na nakakulong. Pero nang suriin ni Jail Officer 1 Melvin Sanico ang mga saging, nakita sa loob nito ang pakete ng shabu at aluminum foil (drug paraphernalia).



Dahil dito, hindi na pinayagang makalabas ng jail facility si Celedoña na mahaharap sa kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">