Advertisers

Advertisers

2 sakay ng SUV pinagbabaril, kritikal

0 6

Advertisers

KAPWA ngayon inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang sakay ng SUV na magpa-park lang sana nang pagbabarilin sa Pasong Bayog, Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang kinilala lamang sa mga alias “Ricky” at “Allan”, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Dasmarinas City.

Hindi naman nakilala ang salarin na mabilis na tumakas bitbit ang baril na ginamit sa pamamaril.



Sa imbestigasyon ng pulisya, 3:25 ng madaling araw habang sakay ang dalawang biktima ng Isuzu Crosswind (PYI561), at magpa-park na sana sila sa nasabing lugar nang lumapit ang isang lalaki.

Nagtanong pa umano ang salarin sa mga biktima kung saan ang daan palabas ng Aguinaldo Highway, subalit hindi pa nakakasagot ang mga biktima ay sunod-sunod na silang pinagbabaril ng lalaki.



Mabilis na tumakas ang gunman, habang naitakbo sa pagamutan ang dalawa.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">