Advertisers

Advertisers

P300k reward vs killer ng dentist-politician sa Mindoro

0 16

Advertisers

Nag-alok ang alkalde at isang civil society group sa lungsod ng Mindoro ng P300,000 reward para sa anumang impormasyon na ikaaresto sa mga responsable sa pagpatay sa isang barangay kagawad.

Matatandaang pinaslang si Augustine Bolor Jr., 63 anyos, incumbent kagawad, dating chairman ng Barangay San Vicente Central at isang dentista, na natagpuang maraming saksak sa kanyang tirahan nitong Linggo ng umaga.

Tinawag ni Mayor Marilou Morillo ang pagpatay na isang matinding paglabag sa karapatang pantao.



Nag-ambag si Morillo ng P200,000 na pabuya, habang P100,000 ang Rotary Club ng Downtown Calapan.

Nanawagan si Morillo sa mga mambabatas na agad tukuyin at hulihin ang mga salarin.



Ayon kay Police Captain Ann Michell Selda, tagapagsalita ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, natagpuan ni Cristeta Magundayao ang bangkay ng kanyang kapatid nang pumasok ito sa kanyang silid nang hindi tumugon sa kanyang mga tawag para sa almusal.

Sinabi ni Selda, robbery ang motibo sa pagpatay dahil hinalughog ang kuwarto ni Bolor, at nawawala ang mga alahas at hindi matukoy na halaga ng pera. Kilala ang biktima sa pagiging mahilig sa magarbong alahas.



Samantala, si Col. Samuel Delorino, hepe ng pulisya ng Oriental Mindoro, ay nag-utos sa mga officer-on-case na magsagawa ng “priority investigation sa pagpatay upang matiyak na maibibigay ang hustisya.

Hinala ng mga otoridad, kilala ng biktima ang salarin.

Hinihintay pa ng Calapan police ang resulta ng pagsusuri ng SOCO para sa kanilang susunod na hakbang para matukoy ang salarin. (Boy Celario)