Advertisers

Advertisers

Jericho at ex-misis na si Kim paghahatian ang ibebentang bahay; Marco at Cristine pinag-uusapan na ang pagpapakasal

0 27

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

USAP-usapan ngayon sa socmed ang  pagbebenta umano ng bahay nina Jericho Rosales at Kim Jones sa Kyusi.

Eto  ang sitsit matapos malaman sa mismong ninong nila na si Ricco na hiwalay na nga sina Jericho at Kim.



Kahit sa vlog ni Ogie Diaz ay naging pulutan na binebenta na raw ang bahay sa QC nina Jericho at Kim at ang mapagbebentahan ay paghahatian ng dalawa

May tsika na matapos maghiwalay  sina Echo at Kim ay mananatili ang dating misis ni Jericho sa New York.



Samantala, ang aktor naman ay solo muna sa bahay nito.

Sa kabila na nakipagsabayan sa isyung hiwalayan sina Echo at Kim, naging magkaibigan ang dalawa.



Natuwa naman ang netizens na  sa kabila ng paghihiwalay ay in good terms pa rin ang ex-couple.

***

SA pagsalang sa panayam ng celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, diretso at wala na ngang kiyeme na inamin ng couple ang kanilang pag-uusap.

Bukod sa kanilang pagmamahalan ay nagbahagi na rin sina Cristine at Marco ng detalye ng kasal nila for the future.

Sey ng netizens na di na naman daw bumabata ang dalawa at nasa right age na rin to settle down.

Maraming kumukuda na deserving naman sina Cristine at Marco na maging maligaya kaya abangers na lang ang mga netizen kung kailan  ang kaganapan ng pag-iisang dibdib ng magdyowa.

Well, well, well… ‘Yun na!