Advertisers

Advertisers

10 PULIS SIBAK SA ILLEGAL RAID!

0 25

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ang sampung pulis na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) matapos sampahan ng mga kasong administratibo dahil sa pagkakasangkot sa illegal raid at arbitrary detention ng mga hinuling Chinese sa Paranaque City noong Setyembre ng nakaraang taon.

Base sa dismissal order na inilabas ng National Capital Region Police Office, epektibo Pebrero 12, 2024 sinibak sa serbisyo ang naturang mga pulis dahil sa mga kasong Grave Misconduct; Grave Irregularity in the Performance of Duty; Grave Neglect of Duty; Conduct of Unbecoming of a Police Officer; Less Grave Misconduct at Less Grave Neglect of Duty with Certificates of Implimentation.

Kinilala ang sinibak na sina Lt. Colonel Jolet Guevarra, hepe ng District Special Operations Unit ng SPD-DSOU; Major Jason Quijana, deputy ni Guevarra; Major John Patrick Magsalos, kumander ng Station 2 sa Tambo, Paranaque City; Capt. Sherwin Limbauan, EMS Arsenio Valle, SSg Mark Democrito, SSg Danilo Desder Jr., SSg Roy Pioquinto, SSg Christian Corpuz, at Cpl. Rexes Claveria.



Nag-ugat ang kanilang pagkakasibak sa ginawang pagsalakay sa isang POGO hub sa Parksuites condo sa Barangay Tambo noong Setyembre 2023 kungsaan nilimas ng mga nasabing pulis ang milyon-milyong pisong laman ng vault ng mga Chinese na kanilang inaresto.

Dahil sa reklamo ng mga Chinese ay nagkaroon ng congressional hearing ang Committee on Public Order and Safety kungsaan na-cite in contempt ang noo’y SPD Director, Brig. General Roderick Mariano, at dating SPD comptroller na si Col. Charlie Cabradilla na kapwa ikinulong ng 30-araw dahil sa pagsisinungaling sa ginawang mosyon ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo.



Na-contempt din ng Kongreso ng 30-araw na house arrest ang anim na pulis dahil sa pagtatakipan at pagsisinungaling.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">