Advertisers
NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin sa Barangay Panay Norte, Magsingal, Ilocos Sur, Lunes ng gabi.
Kinilala ng Magsingal Municipal Police Station ang biktima na si Lawrence Anco y Guillen, 65 anyos, may asawa, tserman ng Brgy. Poblacion, Sto..Domingo, Ilocos Sur.
Nakasakay ang biktima sa kanyang motorsiklo nang dikitan ng isa ring motorsiklo at pinagbabaril ng sakay nito.
Kaagad tumakas ang salarin pagkatapos ng krimen.
Ang biktima ay nagtamo ng maramimg tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, dead-on-arrival sa isang pagamutan.
Nagsasagawa pa ng mga imbestigasyon ang pulisya sa krimen.