Advertisers
ARESTADO ang isang pulis at kasama nitong drug pusher sa anti-illegal drug operation ng pulisya sa Barangay Domanpot, Asingan, Pangasinan, Linggo ng hapon.
Ayon sa Asingan Police Station (APS), ang 42-anyos na pulis na kinilala lamang sa ranggong Police Corporal ay nakatalaga sa Santa Maria Police Station, Pangasinan; at kasama nitong si alyas “Puto”, 31 anyos.
Sa report, sinabi ng APS anti-illegal drug unit, matagal na nilang sinusubaybayan ang ilegal na aktibidad ng dalawa.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis, gamit ang isang undercover agent bumili ng shabu sa dalawa at kaagad pinosasan ang mga ito habang nakasakay sa Toyota Tamaraw FX (UNZ-665).
Nakuha sa pulis at kasabwat nito ang hindi pa malamang halaga ng shabu, mobile phone, sasakyan at isang baril.
Nakakulong na ang dalawat na nahaharap sa kaukulang kaso.