Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
SI Direk Romm Burlat ay magdiriwang ng kanyang ika-61 kaarawan sa piling ng mga kapuspalad nating kababayang matatanda, sa St. Joseph’s Home for the Elderly, sa Bolinao, Pangasinan sa Abril 30.
Noong nakaraang taon, pinasaya niya ang mga bata sa CHILDHaus, Mapang-akit Street, Barangay Pinyahan, Diliman, Quezon City. Kasama niya si Teresita Tolentino Pambuan, actress at producer ng MANANG, kasali sa FAMAS sa taong ito.
Bago siya umalis tinanong ko siya hinggil sa alaga niyang aso, si Perk, isang Japanese spitz-labrador.
Sabi niya, “Perk is a very intelligent, loving dog. Now six years old, he prays with me each day, and he is well trained.”
Dagdag ni direk: “I don’t have weekends most oftentimes. Each day is a week day since I’m a very hardworking person. But in my spare times, I’ve special time for my pet dog who is my only companion at home. I never stopreading and I pray a lot.”
Si Direk Burlat ay isang debotong Katoliko at buhat pa sa Northern Mindanao.
Nahilig siya sa teatro sa edad na 6. Kasama siya sa school production ng “The Sound of Music”. Umaawit at sumasayaw rin siya. Paborito niya sina directors Milos Forman ng One Flew Over The Cuckoo’s Nest, Tay Garnet ng The Postman Always Rings Twice, Steven Spielberg, Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Wenn Deramas.
Nag-aral siya sa Silliman University at nagtrabaho sa Coca Cola bilang statistician at editor ng newsletter.
Wika niya, “My experiences, both good and bad, made me a stronger person out of me. It’s through this strength that prepared me to face both successes and failures in the same way… I don’t hide my feelings. What you see is what you get.”
Si Direk Burlat, na lumabas sa ABS-CBN’s Ipaglaban Mo episode kasama sina Yam Concepcion at Allen Dizon, ay marami nang idinirek na mga pelikula. Dalawa rito ay Ang Tatay Kong Nanay at Minsa’y Isang Alitaptap. Ang kanyang pelikulang “Tutop” ay nanalong Best Feature Film at Best Actor sa New York, Hollywood, Turkey, India, Sweden at Singapore.
Gagawin niya ang pelikulang “Ama, Kasusuklaman Ba Kita”.
***
NAKITA ko kung paano umarte ang child performer na si Elia Ilano bilang Maria Goretti sa Philstagers’ Maria Goretti the Musical. Bumilib ako sa husay na kanyang pinamalas sa pag-arte, pagkanta’t pagsayaw.
Napakabait na bata at siya pa ang lumapit sa akin pagkatapos ng kanyang palabas sa dressing room ng SM North EDSA Sky Dome.
May palabas pa sila nitong Abril 29, 2024 (para 8 am, 11am, 2 pm at 5 pm shows). Ito’y sa pakikipagtulungan ng Best Link College of the Philippines.
Ang iba pang cast ng Maria Goretti the Musical ay sina Francine Galvez, Johnrey Rivas, Fidel Redado, Dave Pajanustan, James Ramada, Chin Ortega, OJ Arci, Gerald Magallanes, Bea Martin, Yvonne Ensomo, Lance Cabradilla, Godfrey Astronomo, Renz Saavedra, Angela Mendez, Awin Valencia, Elisha Vistan, Carl Rasco, Jacky Aquino, Kharen Udarbe, Ken Intano, Jason Chan, Lloyd Relatado, Stephanie Quitlong, at Renee Escurel.
***
NAPAKABAIT ng mag-asawang Jordan at Gracee, ang may-ari ng bagong restobar, ang SR7 Taipei Restobar, dyan sa may Grandia Place sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City (tapat lang ng ABS-CBN).
Ang sasalubong sa iyo ay si handsome Lloyd Gantang na may ngiti.
May acoustic night sila tuwing Biyernes at Sabado. At pwede rin makisali sa pag-awit at magrelaks.
Ang SR7 Taipei Restobar ang kauna-unahang Taiwanese restobar sa Quezon City.