Advertisers

Advertisers

Ang pagkakilala ko kay Deniece Cornejo

0 153

Advertisers

Ni OGGIE MEDINA

NOONG Nobyembre 12, 2023, isa ako sa mga awardee ng Philippine Fashion Trends Awards at kasama ko mga tiyahin ko, sina realtor  Anita Garcia at retired teacher Pilar B. de Mesa.

Iyong gabi din iyong nakilala ko nang personal si Deniece Milinette Vargas Cornejo, isa rin sa mga nakatanggap ng parangal.



Alam kong naging kontrobersiyal si Deniece Cornejo dahil kay dancer-comedian-actor Vhong Navarro hinggil sa alleged rape case.

Iniwasan kong pag-usapan namin iyon sa una naming pagkikita ni Deniece bilang respeto.



Napakaganda’t napakatalino ni Deniece at di nakapagtataka na siya’y tanghaling 1st Miss Manila F.A.M.E. ng Department of Trade and Industry’s C.I.T.E.M. (Center for International Trade Expositions and Missions) kung saan ako unang nagtrabaho bilang technical assistant sa corporate planning division at editor ng CITEM Trade Update sa marketing communications division (napadala ako bilang United Nations fellow na ginanap sa Kuala Lumpur).

Sumabak din sa pag-aartista si Deniece noong 2017 sa pelikulang Si Tokhang at ang Tropang Buang, isang nakatutuwang pelikula ukol sa buhay, seks at droga (nasa lead role dito si Erlinda Villalobos bilang si Tokhang).



Noong Nobyembre 14, 2023, nagpaunlak sa imbitasyon ko si Deniece na makasama bilang co-emcee kasama si Bb. Pilipinas Miss International 2008 Patricia Fernandez, isa ring aktres at TV host, sa pagpapasaya sa mga batang may kanser sa CHILDHaus sa No. 90 Mapang-akit Street, Barangay Pinyahan, Diliman, Quezon City.

Nagbigay pa si Deniece ng cake at mga regalo  sa mga bata at madamdaming mensahe. Labis itong ikinatuwa ng mga paslit. Nagtagal pa siya noon upang mapasaya at mas makilala ang mga batang may karamdaman.

***

MAY planong magkaroon ng reunion iyong mga dating nagtatrabaho sa CITEM nitong Mayo o darating na Hunyo. Tiyak nandoon si Mina T. Gabor, isang dating TV host, at ang founder at dating presidente ng CITEM. Siya’y naging kalihim ng turismo.

***

KARAMAY ko sa pagtulong sa mga batang may kanser si sir Ricky Lo, ang namayapang entertainment editor ng Philippine Star.

Simula nang ako’y naging  freelance journalist, lahat ng kinikita ko sa pagsusulat sa Philippine Star at ibang mga pahayagan ay napupunta sa mga batang may karamdaman.

Tinetext o pinadadalhan pa ako ng email ni sir Ricky Lo para kunin ko na ang mga tseke sa opisina sa Port Area, Manila.

Si Bot Glorioso ang madalas na umaasikaso sa akin tuwing pupunta ako ng Philippine Star office.

Lagi pa ako binibigyan ni sir Ricky ng tsitsiria o tinapay at softdrinks tuwing bibisita ako.

***

NAGSAGAWA noong Mayo 5 ng umaga ng isang mapayapang jogging activity ang grupong ROAR (Run On Against Revision) sa pamumuno nina Volt Bohol, Xiao Chua, Kiko Dee at Cholo Kawada sa Ayala Avenue.

***

BIRTHDAY greetings kina Giselle Sanchez, Monica Rodriguez Herrera (Mayo 4); UP President Atty. Angelo “Jijil” Jimenez, Miwako Kato  (Mayo 5); Oscar P. Garcia, Ellen Mondez Cruz, Brian Masigan, April Abello-Bulanadi  (Mayo 6);  Marissa Varsovia (Mayo 7); Sheilah Kalfors, Emelyn Santos (Mayo 8); Bamba Rnd, Josie Natori (Mayo 9); Mary Ann Diaz-Medina, Aster Amoyo (Mayo 10); Audie De La Cruz, Froilan G. Agatep (Mayo 11); Dheii Nathalia-Cruz, Mon Ilagan, Nonoy Gahol, Bangchen Yu (Mayo 12)

***

SALAMAT kay Pangulong Bongbong Marcos dahil natanggap na ng may 145 empleyado ng IBC-13 ang kanilang retirement pay matapos ang 22 taong paghihintay.