Advertisers

Advertisers

Among Our Local Celebrities…  Asoka Challenge Ni Alex Gonzaga With Mommy Pinty, Pinakamaganda At 100M Views Na; Jules Graeser Parating Fully Booked

0 61

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

AMONG our local celebrities and vloggers ay pinaka-standout si Alex Gonzaga sa kanyang “Asoka Make Up Challenge” kasama si Mommy Pinty. Deserve ni Alex na mapuri ang kanilang Asoka video ni Mommy Pinty at ang over 100 million views (still counting) nito sa lahat ng social media platforms ni Alex.

Mula kasi sa paghahanda ng shoot, make-up, damit na susuotin (Indian outfit) at accessories ay pinaghandaan ni Alex at ng kanyang masisipag na team.



Hindi aware si Mommy Pinty kung ano ang kanyang gagawin pero dahil mabilis sumunod sa instructions ng kanilang director, naitawid ni Mommy Pinty ang performance niya rito. Kaya naman hindi lang mga fans ni Alex ang mga nanood kundi pati mga supporter din nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang BoNoy & PinTY Youtube channel na kanilang mga ka-maintenance. May 1.65 million subscribers na ang famous couple samantalang 13.8M naman ang bilang ng subscribers ni Alex.

Well, paulit-ulit mo mang panoorin ang performance ni Alex sa ginawang Asoka Challenge ay hindi mo ito pagsasawaan lalo’t ang ganda-ganda rito ng actress-comedienne-top vlogger at nasabayan niya nang bonggang-bongga ang San Sanana (Indian song) ni Kareena Kapoor.



At halatang ginastusan ito ni Alex at ng sister na si Toni Gonzaga na involve rin sa production. Samantala, muling pinagkaguluhan si Alex sa EVRA ORMOC 2024 na selebrasyon sa mga batang Atleta ng Ormoc. Pinangunahan ito nina Mayora Lucy Torres-Gomez at Cong. Richard Gomez.  Bentang-benta sa mga Ormocanon ang signature danceable song ni Alex na Chambe na 32 million views na sa official YT channel ni Alex.

***



ASIDE sa pinagkakaabalahang promotion ng kanyang 2nd single titled “KATUPARAN,” na nasa lahat ng famous digital music platforms tulad ng Spotify, Amazon Music, Apple Music, iTunes etc. Every month ay puno ang schedule o parating fully booked ang singer-host na si Jules Graeser.

Yes, hindi lang sa mga event sa Los Angeles, California in-demand si Jules as performer and host kundi sa iba’t ibang parts ng America. Nagdi-direk din si Jules ng mga awards night tulad ng katatapos lang na 6th Edition ng AMERASIA INTERNATIONAL AWARDS ni Sir Alfredo Yumul, na naging matagumpay. Siya (Jules) rin ang overall event director sa gaganaping AMERIKA PRESTIGE AWARDS, sa May 18, 2024 sa Hollywood, California.

Dalawa sa kilalang Pinoy actors na bibigyang parangal ay sina Patrick Garcia at Gary Estrada. Ididirek ni Jules ang fashion show segment at ang Queen’s Recognition. Isa rin si Jules sa guest perfomers sa “MAY FESTIVAL WITH THE STARS” this May 24 na gaganapin sa kilalang Kusina Filipina Authentic Cuisine na located sa 4157 Eagle Rock Boulevard, Los Angeles, California. Mapapanood din si Jules sa “A LOOK INTO OUR AMERICA” sa CHIME TV, Channel 47 on Spectrum TV at sa sariling Online Talk Show na “CHATTERBOX.”

By the way, Jules is a dentist by profession kaya ang tawag sa kanya ng marami ay THE SINGING DENTIST. May dalawang bagong business din ito sa LA at ang Chick N Dunk dito sa Pinas na kasosyo niya ang mga kaibigang social media influencers na sina Hungry Boss (David Bowie) at Vince Apostol a.k.a Kapitan VJ. Located ito sa Junction, Cainta, Rizal na nasa likod lang ng Robinson’s Mall, Cainta.