Advertisers

Advertisers

Accountant dinukot ng nakilala sa dating app; suspek nanaksak ng abogado

0 54

Advertisers

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-National Capital Region ang isang lalaki sa Pateros nang dukutin nito ang isang babae na nakilala nito sa dating app.

Kinilala ang biktima na si Irene Melican, 35 anyos, isang accountant.

Ayon sa report, hawak ng suspek ang identification cards, ATM cards, credit cards, cell phone, at puting SUV ng biktima.



“Noong nalaman nila na hindi na umuuwi, ang isa nag-attempt na tumawag sa victim sa Facebook. Nang tumawag siya, ang nakasagot bata. So kinausap niya ‘yung bata. Then suddenly, the phone was grabbed by someone, pagtingin ng friend ng victim, ‘yung subject natin ang may hawak ng phone,” sabi ni NBI-NCR Chief, Attorney Rommel Vallejo.

Noong June 13, nakunan ng CCTV ang suspek kasama ang dalawang babae na bumibili ng tatlong mamahaling cell phones sa San Juan gamit ang credit card ng biktima at ID ngunit ang larawan sa ID iba.



Ayon sa NBI, tinangay ng suspek ang P3.5 milyon mula sa joint account ng biktima at kanyang ina.
Buwan ng Setyembre nang magkakilala ang suspek at biktima sa pamamagitan ng dating application kungsaan nagpakilala ang lalaki na single kahit mayroon na itong tatlong anak at buntis pa ang kanyang misis.

Hunyo 3, tumawag ang suspek sa biktima at humingi ng tulong nang maaksidente umano ito.
Iyon ang huling pagkakataong nakita ang biktima.



Sa inquest nang arestuhin ng NBI ang suspek noong Martes, July 9, tinangka nitong saktan ang isang PAO lawyer gamit ang tinidor. Agad naman naawat ng mga ahente ng NBI ang salarin.

Kinasuhan ng kidnapping, serious illegal detention, carnapping, at paglabag sa Access Devices Act.

Nanatiling nawawala ang biktima.

Nanawagan naman ang NBI sa mga nakakalam ng impormasyon sa kinaroroonan ng biktima na tumawag agad sa NBI-NCR para agad itong mahanap.(Jocelyn Domenden)