Advertisers

Advertisers

PAGLUBOG NG 3 BARKO IIMBESTIGAHAN NG SENADO AT KONGRESO

0 1,422

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

DAPAT nang kumilos ang liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang alamin ang katotohanan ng misteryo sa kaduda-dudang pangyayari sa halos sabay-sabay na paglubog ng tatlong barko sa karagatan ng Bataan sa kasagsagan ng bagyong Carina, na nagdulot ng trahedya at malawakang oil spill sa kasaysayan ng bansa.

Hiniling ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na bukod sa National Bureau of Investigation (NBI) ay dapat atasan ng Pangulo si Department of Justice Secretary Crispin Remulla na imbestigahan ang naturang insidente sa karagatan. Dapat din maging malalim ang mga pagsisiyasat ng Senado at Kongreso sa gayon ay maiwasan ang posibleng cover-up sa isasagawang imbestigasyon.



Halos magkakasunod na lumubog ang M/V Mirola 1, M/T Terra Nova at M/T Jason Bradley na naging dahilan ng pagkalat ng tinatayang may dalawang milyong litrong petro product na tumagas mula sa tatlong barko na lumalason sa mga lamang-dagat ng Manila Bay, Cavite hanggang sa Bulacan.

Sa lalawigan pa lamang ng Cavite, tinatayang P1 bilyon na ang pinsalang dulot ng polusyon, at tataas pa ang pigurang ito sanhi ng libu-libong mangingisdang nawalan ng hanapbuhay na nagbunsod upang ideklara ng pamahalaan na ang karagatang sakop ng Manila Bay, Bataan at kanugnog na lalawigan na “No catch and No sell zone”.



Inaalam na ng mga awtoridad kung sangkot ang mga nabanggit na barko sa petroleum smuggling at pilferage activities. Kaya’t hiniling din ng MKKB na muling buksan ang imbestigasyon sa insidente ng paglubog ng oil tanker MT Princess Empress noong February 2023.

May kumakalat na impormasyon na kusang pinalubog ang naturang barko nang magkaroon ng alingangas sa operasyon ng petro smuggling at pilferage na kilala din sa tawag na “buriki” o “paihi” at napipinto ang malawakang crack down ng mga awtoridad laban sa naturang sindikato.



Sinasabing upang hindi malugi ang nasa likod ng naturang sindikato ay minabuti ng mga itong palubugin na lamang ang naturang barko upang maikolekta ang bilyones na halaga ng insurance?

Nagpahayag narin si ACT-CIS Party List Representative at Deputy House Speaker Erwin Tulfo ng pagnanais na imbestigahan ang paglubog ng MT Mirola 1, MT Terra Nova at MT Ja-son Bradley na aniya’y kaduda-duda ang magkakasunod na paglubog ng tatlong barko na may lulang milyon milyong halaga ng petroleum products

Sinabi ni Tulfo, dating broadcaster at investigative reporter bago naging kongresista, sa kanyang inisyal na impormasyong natanggap, ang palibot ng karagatan ng Manila at Bataan ay ginagamit na sentro ng operasyon ng paihi, isang modus operandi ng pagnanakaw ng oil at petroleum products na kilala rin sa tawag na buriki, patulo o paawas.

Kinilala na sa imbestigasyon ng Senado noong June 2023 ang mga sangkot sa big time na paihi at petro smuggling gamit ang mga pribadong daungan sa Mariveles at Limay. Kabilang sa siyam na personalidad na pinangalanan ay ang isang Violago at walong iba pa.

Bukod sa Bataan at mga lalawigan ng Region 3, nag-ooperate din ng paihi/buriki si Violago gamit ang kanyang mga dummy kabilang dito ang burikian na ino-operate ng isang “Amang” sa Barangay Bancal, Carmona City, Cavite at Bypass Road sa Brgy. Banaba, San Pascual, Batangas gamit ang dummy nitong sina “Delzon Adik” alyas “Etring”, alyas “CJ Pilar” aka “Agojo” at “Efren”.

May pwesto din ng burikian/paihian si Violago sa boundary ng Taal-Lemery malapit sa tulay ng highway na nag-uugnay sa tulay ng Pansipit River sa Taal at Le-mery, gamit ding poste sina Delzon Adik alyas Etring at dismissed scalawag Calamba City Police na si alyas “Roy”.

Isang “Duterte Die Hard Supporter” (DDS) PNP colonel at hitman nitong fake “Sgt. Buloy” na pinaniniwalaang may kawing din sa Violago group ang nagpa-patakbo ng paihi/ buriki sa harap lamang ng main gate ng Batangas City Pier sa Brgy. Sta Clara.

Ang naturang colonel din, na dating superior officer ni Batangas PNP Provincial Director Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr., ang siyang pasimuno ng “untouchable operation” ng higit sa 500 units colorum van at ng illegal van terminal sa loob mismo ng Batangas City Pier.

Kabilang din sa sindikatong buriki na kumikilos sa CALABARZON sina alyas “Amigo” sa kahabaan ng Eco Tourism Road, Brgy. Ilayang Talim; “Troy” sa Brgy. Salinas at “Bong” sa Brgy. Isabang, kapwa sa Lucena City; at magkasos-yong Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis, Guinyangan, Quezon Province. Walang aksyon dito sina Gov. Angelina Tan at PNP Provincial Director, Colonel Ledon Monte.

May mga burikian din na kinakapitalan ni Violago sa Brgy. Paciano Rizal, Brgy.Turbina, Calamba City; at Silangan Exit sa Cabuyao City, Laguna na pina-patakbo ng isang “Ador” at ka-patid nito, gayundin sa mga ba-yan ng Tanay at Antipolo City at ilan pang munisipalidad sa Rizal.

Dahil sa ‘di pag-aksyon sa mga nabanggit na sindikato ay hini-ling ng MKKB na ipatawag sa Senado at Kongreso ang mga matataas na PNP officials sa CALABARZON upang alamin kung bakit malayang nakapag-o-operate sa kanilang hurisdiksyon ang mga sindikatong itinuturing na economic saboteurs.