Advertisers

Advertisers

2 pulis, abogado todas sa engkuentro sa Tagaytay

0 40

Advertisers

Ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang opisyal ng pulis at isang abogado sa nangyaring barilan sa Barangay Maitim 2nd Central, Tagaytay City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Captain Adrian Binalay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region; Police Captain Tomas Ganio Batarao Jr., isang nag-i-schooling na opisyal; at Atty. Deninis Santos.

Nadakip ang 2 pang salarin na sina Elver Mabuti at Ret. Sheriff Benedicto Hebron.



Sa report, 2:00 ng hapon nagtungo ang dalawang pulis at ang mga kasama nilang sibilyan sa Prime Peak Subdivision, Brgy. Maitim 2nd Central Tagaytay City, Cavite para magtanong tungkol sa kanilang bibilhing lote.

Pagpasok sa gate ng subdivision binalaan ang mga ito ng security guard na si SG Ryan Santillan na naka-duty na huwag nang tumuloy.



Sa kabila ng babala, nagpatuloy pa rin ang grupo.

Habang nakikipag-usap sa guwardiya dumating ang mga salarin sakay sa isang Hyundai Creta na may plakang NIJ 1370 at bumaba ng sasakyan.



Agad na pinaputukan ng mga salarin ang mga pulis kung saan tinamaan sina Binalay at Batarao.

Sa kabila ng mga tinamong tama ng bala, nagwang parin ng mga ito na makaganti ng putok at tamaan ang dalawa sa mga salarin.

Nasawi noon din si Binalay habang isinugo sa pinakamalapit na ospital sina Batarao at Santos ngunit kapwa hindi na umabot ng buhay.

Sa follow up operation nakadakip naman ng mga otoridad si Mabuti habang naaresto si Hebron sa Tagaytay Medical Center.(Koi Laura/Mark Obleada)