Advertisers

Advertisers

Wilma panatag na ‘di matatanggal sa serye kahit matagal umabsent

0 15

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

ILANG isang negosyante na may five star carinderia sa Tagaytay at Cavite, ang Chicks Ni Otit, may payo si Wilma Doesnt sa mga gustong magkaroon ng food business.

“Una, ang payo ko diyan, lagi ko sinasabi, dapat yung puso mo, yung isip mo, yung oras mo.



“Dapat may tiwala ka sa supplier mo, at higit sa lahat, dapat tinututukan mo yung sarili mong negosyo.

“Huwag mong ipaubaya, dahil kumikita ka ipapaubaya mo sa iba? No. Always remember, that’s your business, that’s your money, at ikaw ang nagtayo niyan, you have to take good care of it.”



Sa sobrang hands-on ni Wilma ay nag-leave siya sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap noong binubuksan pa lamang nila ang Chicks Ni Otit.

“Yes, para magbukas ako ng Tagaytay, oo. Nagpaalam ako.



“Two and a half months.”

Hindi siya natakot na baka patayin ang character niya sa show sa tagal na wala siya bilang si Josa?

“Hindi, kasi kaibigan ko si Lyneth e,” tumatawang pagtukoy ni Wilma sa karakter ni Carmina Villarroel sa show.

“So hindi, walang kausap si Lyneth, tigilan niyo ako. “Ha! Ha! Ha!”

Pero ngayon, kapag may taping siya, paano siya pumupunta sa restaurant?

“Basta pag wala akong taping, I make sure na magbibisita ako ng branch. So pag weekdays, Wednesday nasa General Trias ako.

“Weekends, Sabado-Linggo, kasi mas maraming pumupunta sa Tagaytay, at maraming nag-eexpect sa akin.

“That’s why, nag-i-stay ako doon para…madali kasi siyang puntahan e, ng lahat.”

***

DAHIL masama nga si Eddie Boy na siyang karakter ni Allen sa Guardia De Honor, hindi ba siya partikular sa pagkakaroon ng redemption ng kanyang masamang karakter, maging sa iba niyang pelikula na salbahe ang role niya?

May ibang artista na ang nais, sa pagtatapos ng pelikula, may redeeming factor ang kanilang masamang papel.

Pahayag ni Allen, “Hindi ko kailangang sabihin sa direktor ko kung ano ang gusto ko. Dapat laging nasusunod kung ano ang gusto ng direktor.

“So lagi akong nagko-compromise.

“And which is si direk Jay naman everytime na may eksena, every time before the scene nag-uusap kami kung ano yung gusto niya and kung may suggestion ako, kung may gusto akong gawin sinasabi ko sa kanya.

“So it’s a teamwork pa rin talaga pagdating sa paggawa ng pelikula.

“Hindi yung, ewan ko hindi talaga ako… kailangan kong sundin ang direktor ko kasi ako, isa akong artista, tagasunod lang ako sa direktor.

“Kung ano ang gusto niya kahit ayaw ko gusto pa rin niya iyon so kailangang gagawin ko yung gusto niya.”

Nasa cast din ng Abot Kamay Na Pangarap si Allen.