Advertisers
Nasawi ang nim na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa tropa ng gobyerno sa Brgy. Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, nitong Huwebes.
Sinabi ni Brigadier General Joey Escanillas, commander ng 302nd Infantry Brigade ng Army, na hindi pa nila matukoy ang mga nasawing miyembro.
Nasamsam din ng mga sundalo ang high-powered firearms, limang M16 rifles, dalawang AK 47 at isang baby Armalite.
Sinabi ni Escanillas na tumagal ng 45 minuto ang engkuwentro laban sa NPA.
Posible umanong nasa lugar ang mga ito upang mag-recruit ng mga bagong miyembro.