Advertisers
Ipinagmamalaki ng mga mamamayan ng lungsod ng Tarlac ang kanilang butihing alkalde na si Mayora Cristy Angeles.
Anila, saksi sila sa tunay na kabutihang loob ng kanilang pinapipitangang punong bayan dahil inuuna nito ang kapakanan ng kanyang mamamayan at tunay ang ipinagkakaloob nitong tulong na serbisyo publiko.
Kamakailan, nagsagawa ng People’s Day si Mayora Angeles, at nailahad nito ang kanyang mga adhikain at mga proyekto para sa kanyang mga nasasakupan, tulad ng Tarlac General Hospital, na malapit ng itayo; ang tuloy tuloy na Scholar ng Bayan; may mga programa rin ito sa mga Senior Citizens; libreng check up sa mga may sakit; pagsasaayos ng mga sirang kalsada at marami pang iba.
Ito si Mayora Angeles, simpleng tao at sadyang una sa puso niya ang paglilingkod sa kanyang nasasakupan.(D. Lumandon)