Advertisers
AGAD namatay sa mga tama ng bala ang barangay chairman ng San Juan, Pili, Camarines Sur nang barilin sa loob mismo ng kanyang tindahan ng karne nitong Huwebes, June 5, 2025.
Walong beses binaril si Barangay Kapitan Nerior Brazal ng isang lalaking pumasok sa kanyang tindahan at nagkunwaring kostumer.
Mabilis na nakatakas ang salarin, ayon sa mga saksi at mga imbestigador ng Pili Municipal Police Station na nagresponde sa insidente.