Advertisers
ISASAGAWA na lamang sa pamamagitan ng video conferencing ang susunod na arraignment ni dating Negros Oriental Representative Alnulfo Teves, Jr.
Ito ang kinumpiram ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime B. Santiago kungsaan nakaiskedyul na humarap muli sa Manila Regional Trial Court Branch 51 sa Hunyo 10 ng 2:00 ng hapon.
Ayon sa NBI, sa halip na personal na haharap sa Korte si Teves, sa pamamagitan na lamang ng video conference ang pagbasa ng sakdal laban dito.
Hindi naman binanggit kung anong kaso ang didinggin sa nasabing petsa ngunit’ posibleng may kinalaman ito sa pagpaslang sa dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam iba pa noong 2023.
Nitong Miyerkoles nagpasok ng ‘not guilty’ plea ang Presiding Judge ng Manila RTC nang manahimik si Teves sa kasong ‘illegal possession of firearms and explosives’.