Advertisers

Advertisers

2 patay, 4 grabe sa pagkain ng ‘butete’

0 16

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao at apat ang naratay sa pagamutan nang kumain ng isdang dagat na butete (pufferfish) sa Olutanga, Zamboanga Sibugay.



Kinilala ang mga nasawin na sina Mary Joy Gumata at Repsine Galliner, 15-anyos; samantalang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang apat iba pa na kinilalang sina Jerome Gumata, 44; 13-anyos na si “Joash”, at dalawang iba pa na kinilala lang na sina Chrisel at Edmundo.

Sa ulat, nagtataglay ang butete ng neurotoxin at tetrodotoxin na uri ng lason at delikadong kainin ng tao.

Sa report ng Zamboanga Sibugay Police, nangyari ang insidente sa isla ng Olutanga sa nasabing lalawigan, matapos mahuli ni Gal-liner ang isang malaking butete na dinala nito sa pa-milya Gumata para iluto at kanilang pagsaluhan.

Ilang saglit pa nang maiulam ang butete, nagsimula nang makaranas ng panana-kit ng tiyan, matinding pagkahilo, pamamanhid ng katawan, pagsusuka at diarrhea ang mga biktima.

Nang dumating si Eduardo Gumata, ama ng ilan sa menor-de-edad na biktima, nakita niyang namimilipit sa matinding sakit ng tiyan at matinding pagsusuka ang mga biktima kaya mabilis niya itong isinugod sa pagamutan.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sina Galliner at Mary Joy.