Advertisers

Advertisers

POM COLLECTOR NAGBABALA LABAN SA MGA SINDIKATO

0 9

Advertisers

“’WAG na kayong magbalak pa na magpapasok ng mga kontrabando tulad ng droga at iba pang bawal na mga item dahil mahuhuli lang namin yan”.

Ito ang naging babala ni Bureau of Customs – Port of Manila Collector Alex Alviar laban sa mga sindikato at importer sa isang panayam kamakailan.

“Sinubukan nilang magpapasok ng isang container na shabu worth P1 billion noong January this year at medyo bago pa lang tayo dito pero kaagad nating na-intercept ito,” ani Coll. Alviar.

Dagdag pa ng opisyal, “hindi uubra na gagamitin nila ang pier para magpapasok ng droga dito sa Port of Manila…not on my watch!”.

Nasabat din noong Mayo at Hunyo ni Alviar ang ilang container ng mga isdang “Mackerel” na ilang milyon din ang halaga.

“Bagama’t pagkain siya, pero kontrabando na maituturing dahil wala itong import permit sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR),” ayon pa kay Alviar.

Hindi rin nakalusot nito lamang Hunyo ang ilang container ng sibuyas mula China dahil walang import permit sa Bureau of Plant Industry (BPI).

“Naghahabol tayo ng collection para makamit ang tax target pero hindi naman pwedeng ipikit ang aming mga mata para tumaas lang ang government revenue by allowing entry of contraband items,” pahabol ni Alviar.