Advertisers

Advertisers

7 rebelde patay sa engkuentro sa Masbate

0 54

Advertisers

Nasawi ang pitong miyembro ng New People Army (NPA) at 9 na matataas na kalibre ng armas ang nasamam ng militar sa naganap na engkwentro sa Uson, Masbate.

kay MGen Aldwine L. Almase, Commander ng 9th Infnatry Division, 6:00 ng umaga nang maka-engkwentro ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ang ‘di batid na bilang ng mga rebelde mula sa KLG, SRC4, Bicol Regional Party Committee(BRPC) sa Brgy. San Mateo, Uson, Masbate.

Sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo na rekober ang mga labi ng mga rebelde at pagkakasamsam ng 4 M16 rifles, 2 M203 grenade launchers, M14 rifle, M653 rifle, Bushmaster rifle, mga personal belongings at subversive documents sa pinagyarihan ng engkwentro.



Patuloy na inaalam ang pagkakakilan ng mga otoridad ang mga labi ng 7 mga nasawi mga rebelde.

Patuloy naman ang pagtugis ng military laban sa mga tumatakas na mga rebelde. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">