Advertisers
NAGPAKITANG-GILAS ang Manila Muay Team na sumabak sa prestihiyosong torneong martial arts sa Sandakan ,Malaysia kamakailan.
Ayon kay Team Manila delegation head Rene Catalan , dating Asian Games Doha2006 wushu gold medalist at owner ng Catalan Fighting System, 3 gold medals at 3 silvers ang naiuwi ng 7-man squad na naghandog ng karangalan di lamang sa Lungsod ng Maynila pati sa buong Pilipinas na rin.
Pinangunahan ang gold medal haul ng Manila Ph muay squad ni Edemel Catalan na nagwagi via unanimous decision para sa unang gold.
Sinundan ito ng split decision victory ni Joemar Garcia( split decision ) bago ang tampok na tagumpay kay Manuel Christopher delos Reyes na pinatulog ang kalaban via first round knockout.
Nakuntento naman sa silver ang tatlo pang Pinoy fighters na sina Rene Catalan,Jr,Liane Marie Bautista Ardena at Jeromè Balualua na natalo sa finals na pawang close decision habang ang tanging fatality ay si Kier Biron na na-knockout sa early stage ng bakbakan.
“Magiting ang naging performance ng mga bata.3 golds at 3 silvers ang handog ng ating 7-man warriors para sa bayan. Thanks to our Almighty God at åahat ng sumuporta sa team,” wika ni Catalan na buong pagpasalamat din kina Manila Mayor Isko Moreno,Manila Sports Council Director Dale Evangelista,Matthew Flores ng Massive Sports at Chairman Robert James Lagan ng Batang Atleta.
Nakatakdang mag-courtesy call ang Manila Muay team kay Manila Mayor Isko Moreno upang ihandog ang kanilang tagumpay na inani mula sa bakbakan sa Sandakan ,
Malaysia mula Agosto 21 hanggang 26. (Danny Simon)