Advertisers

Advertisers

Binubuo ng law experts…PBBM MAY INDEPENDENT COMMISSION MAG-IIMBESTIGA SA FLOOD CONTROL PROJECTS!

0 16

Advertisers

INIHAYAG ng Malakanyang nitong Lunes na sasailalim sa mahigpit na screening ang mga miyembro ng independent commission na nakatakdang likhain para imbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects upang matiyak ang impartiality at kredibilidad.

“Ang independyenteng komisyon na ito ay nasa ilalim ng executive. Iimbestigahan nila ang lahat ng mga dokumento at reklamo at magrerekomenda ng mga kaso sa mga nararapat na ahensya. Kung ang mga opisyal ng gobyerno ay sangkot, ang mga kaso ay tiyak na mapupunta sa Ombudsman,” sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang media briefing.

“Ang mga miyembro po dapat nito ay talagang independent at hindi pamumulitika ang gagawin,” ani pa ni Castro.



Nauna nang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang isang executive order (EO) ay isinasapinal upang maitatag ang katawan, na inilarawan niya bilang “investigative arm” ng administrasyon upang harapin ang katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Iimbestigahan nila ito. At gagawa sila ng mga rekomendasyon kung ano—paano itutuloy, kung kasuhan itong mga ito o i-Ombudsman o dalhin sa DOJ (kung idemanda sila o dalhin sa Ombudsman o dalhin sa DOJ),” sabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa Pasay City.



Sinabi ni Marcos na ang komposisyon ng body ay hindi pa natatapos ngunit malamang na kasama ang mga forensic investigator, prosecutor, abogado, at mga retiradong mahistrado upang matiyak ang integridad at kakayahan sa pagrepaso sa mga kontrata at reklamo.

Ang paglikha ng komisyon ay matapos ang pagbibitiw ni dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, na bumaba sa puwesto sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility kasunod ng mga iregularidad sa multi-billion peso flood control projects.



Sinabi ng bagong hinirang na DPWH chief na si Vince Dizon na hihilingin niya ang courtesy resignation ng lahat ng opisyal sa departamento bilang bahagi ng mas malawak na paglilinis. (Vanz Fernandez)