Advertisers

Advertisers

Nene, ni-rape at pinatay ng adik sa tubuhan

0 27

Advertisers

Ginahasa muna bago pinaslang ng isang lalaki na lango sa droga ang 10-anyos na batang babae sa Brgy. Linantuyan, Guihulngan City, Negros Oriental noong Martes.



Sa report ni Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, director ng Police Regional Office ng Negros Island, biktima na itinago sa pangalang Princess, na natagpuang hubo’t hubad na may mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa isang tubuhan sa nasabing lugar.

Kinondena naman ng opisyal ang karumal-dumal na sinapit ng bata na sinabing walang puwang ang mga bayolenteng insidente sa Negros Island at tiniyak na bibigyang hustisya ang sinapit nito.

Pinaniniwalaang ginahasa ang batang biktima dahil sugatan ang ari nito.

Sa teorya ng mga awtoridad, pinaslang ang bata upang hindi na ito makapagsalita pa dahil kilala nito ang salarin.

Arestado naman sa follow-up operations ang isang 33-anyos na magsasaka na hinihinalang nasa likod ng krimen matapos na isang testigo ang magturo rito na siyang kasama ng bata ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Narekober mula sa suspect ang isang patalim na hinihinalang ginamit nito sa pagpatay sa biktima at iba pang ebidensya.