Advertisers

Advertisers

Lacson bibitawan ang Senate Blue Ribbon

0 12

Advertisers

MAGBIBITIW si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson bilang chairman ng Senate blue ribbon committee dahil sa aniya’y hindi kasiyahan ng iba pang kasamahang senador.

“Kung nagkukulang na ng pagtitiwala ang aking kasamahan, especially kung mas marami sa kanila, hindi na masaya sa pagha-handle sa akin sa blue ribbon, naisip ko na maybe stepping down is an option,” wika Lacson sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Ani Lacson, inihahanda na niya ang resignation letter at maaaring ianunsyo niya sa plenaryo sa sandaling ipagpatuloy ang sesyon ng Senado.



“Dahil sa mga naririnig ko na pahiwatig ng aking mga kasamahan eh isa sa mga konsiderasyon ko, mag-move o mag-submit nalang ng aking resignation bilang chairperson at humanap sila ng ibang puwede mag-chairman ng blue ribbon committee,” paliwanag niya.

Binatikos din ni Lacson ang mga “fake news” at maling naratibo na ipinakalat ng ilang grupo kabilang ang akusasyong pinupuntirya niya ang ilang kapwa senador habang umano’y pinoprotektahan ang mga miyembro ng Kamara na tinuturing na “masterminds” ng isyu sa flood control projects kabilang sina dating Speaker Martin Romualdez at dating Rep. Elizaldy Co.



“Kung ako tatanungin, siyempre sasabihin ko maayos ang aking pag-handle dangan nga lang laging may gumugulo. ‘Di pa nagsisimula ang pagdinig, pagkatapos ng call to order, may nanggugulo. So doon nagkakaroon ng perception na hindi maganda ang pag-handle,” patuloy ni Lacson.

Noong Sabado, sinabi ni Lacson na sinuspinde ng Senate blue ribbon committee ang imbestigasyon dahil hindi pa handa ang ilang dokumento para sa susunod na pagdinig sa gitna narin ng iba pang Senate inquiry.



Ang mga naturang dokumento ay mula sa Department of Justice at National Bureau of Investigation.

Sinuspinde ang hearing dahil narin sa mga deliberasyon sa 2026 budget at Commission on Appointments. (Mylene Alfonso)