Advertisers
Arestado ang isang tulak ng Navotas police na itinuturing na High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P600,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director PB Gen.Jerry Protacio, kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela ang naaresto na si alyas “Ian”, 32, helper at residente ng Brgy. San Jose ng lungsod.
Naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas Police 8:18 ng gabi sa Bagong Silang St., Brgy., San Jose nang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nasamsam sa suspek ang humigi’t kumulang 98.85 grams ng shabu na may standard drug price na P672,180 at buy bust money.
Sinampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)