Advertisers

Advertisers

Bgy. Chairman binoga ng riding in tandem

0 25

Advertisers

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Taal Polymedic Hospital ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang suspek na riding in tandem nuon umaga ng Huwebes November 13, 2025 sa Barangay Poblacion Uno ng Sta. Teresita, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Wilberto C. Manalo, 51- anyos, residente at kasalukuyang tserman sa nasabing barangay.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Sta. Teresita Municipal Police Station, kasalukuyang nakaupo malapit sa nagtitinda ng buko juice ang biktima ng hintoan ng dalawang suspek na sakay ng skeletal type na motorsiklo at pinaputokan ng sunod sunod ang biktima.Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo umano sa direksyon ng Bauan, Batangas ayon sa mga nakasaksi.



Agad naman ini-report sa pulisya ni Sta. Teresita Mayor Norberto “Boy” Segunial, ang nangyaring insidente ng pamamaril sa biktima.

Naglatag na ng hot pursuit and follow up operation ang mga otoridad at hiningi na rin ang tulong ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">