Advertisers

Advertisers

Navotas cops itinangging nanortyur ng 2 murder suspects

0 14

Advertisers

Itinanggi ng Navotas City Police ang alegasyon na pinahirapan nila ang dalawang suspek sa kasong pagpatay noong Nobyembre 3 upang pilitin ang pag-amin.

Ayon kay Police Colonel Renante Pinuela, matibay ang ebidensiya laban sa mga suspek, kabilang ang CCTV footage.

Isa sa mga suspek na si alias “Dave,” na nadakip noong Nobyembre 9, ay nagbigay ng extrajudicial confession sa harap ng abogado at itinuro ang mga mastermind.



Ayon kay Dave, dalawang barangay official ang nagbayad sa kanila ng P30,000 para patayin ang mga biktima.

“Kaya gusto nilang palabasin na tinorture ng kapulisan natin, pinilit. Kasi once na ma-release at ma-dismiss na yung kaso, automatic mawawala na yung anggulo na may nag-utos eh,” giit ni Pinuela.



Sumailalim si Dave sa medical examination sa Navotas City Hospital noong Nobyembre 11 at walang natagpuang sugat.

Ayon sa kanya, pinagsuot siya ng cap ng mga pulis sa pagsusuri, at hindi rin nakita sa video ang sugat sa ulo.



Isang abogado ang nagsampa ng reklamo sa PNP Internal Affairs Service para kay Dave, na nangakong isasagawa ang patas na imbestigasyon. (Beth Samson)