Advertisers
SINABI ng kilalang political at international relations analyst na si Richard Heydarian na nakita niya ang International Criminal Court (ICC) warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa – pero ilang segundo lang daw.
“I’ve seen the warrant and I can confirm that the warrant is real. And I perused the warrant for more than a few minutes.” post ni Heydarian sa X.
“I saw a big big picture of Bato. I saw details that would help the police to enforce the warrant – places where Bato could be found, his circumstances, his hometown Barangay Bato.
Ito aniya marahil ang dahilan kaya dalawang buwan nang nagtatago si Bato.
“Two months na hindi nagtatrabaho. Two months na missing in action. Two months na sume-sweldo,” post,” naman ni Atty Jesus Falcis sa kanyang Facebook account.
Si Ombudsman “Boying” Remulla ang unang nag-anunsyo na may kopya siya ng ICC arrest warrant laban kay Bato. Simula noon ay hindi na nagpakita sa publiko ang senador, taliwas sa kanyang mga pahayag na hindi siya takot sa ICC, handa raw siyang harapin ito. Hinamon pa niya noon ang ICC na arestuhin na siya, tulad ng paghamon ni ex-President Rodrigo Duterte.
Si Duterte ay siyam na buwan nang nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.
Si Dela Rosa ay co-accused ni Duterte sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga extrajudicial killings sa kanilang ‘war on drugs’ sa nakaraang administrasyon.
Kabilang sa mga kinasuhan sa ICC sina ex-PNP Chief Oscar Albayalde, Senador Bong Go, at ilan pang retirado at aktibong opisyal.
Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes, ang nagpursige na kasuhan sa ICC sina Duterte, lalabas narin ang arrest warrant laban kina Albayalde at Bong Go.