Advertisers
Ni Anne Venancio
MABIGAT ang role na gagampanan ni Jeric Gonzales sa real-life drama anthology na ‘Magpakailanman,’ kung saan bibida siya sa “Pangarap at Hustisya: The Jimmy Aguilar Story,” isang mapait na kapalaran ng isang Pilipinong napadpad sa ilegal na gawain sa ibang bansa.
Sa episode, gaganap si Jeric bilang Jimmy, isang lalaking may pangarap sanang magsilbi bilang pulis. Dahil sa kakulangan ng oportunidad at kahirapan sa Pilipinas, napilitan siyang makipagsapalaran sa Malaysia.
Dahil desperado, nasangkot si Jimmy sa ilegal na operasyon bilang drug runner para sa isang Chinese drug lord, na magdadala sa kanya sa panganib at mabibigat na pagsubok dulot ng maling desisyon at kakulangan ng proteksyon.
Mapapanood ang “Pangarap at Hustisya: The Jimmy Aguilar Story” sa Enero 10, 8:15 p.m.