Advertisers
Ni Anne Venancio
INAMIN ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa YouTube show nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na hindi lang puro saya ang naging relasyon nilang mag-asawa sa loob ng 11 years.
Ani Marian, “May pagkakataon din talaga na may problema, pero at the end of the day, mas nananaig pa rin ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Bilang babae, ito ang pangarap ko para sa aking pamilya, na maging maayos ang lahat.”
Diniin ng aktres na mabuting provider ang mister na si Dingdong. Nilinaw rin niya na matagal na niyang hindi nararamdaman ang selos mula nang magkaanak sila. Wala na raw dapat ipagselos lalo’t asawa na niya si Dingdong. Maging ang aktor ay hindi rin umano gumagawa ng anumang aksyon na dapat pagselosan.
Para kay Marian, ang tunay na pagmamahal ay nasusukat sa kakayahang punan ang kakulangan ng isa’t isa, lalo na sa mga panahong hindi perpekto ang lahat.
Aminado si Marian na very vocal talaga siya sa kung ano ang kanyang nararamdaman. Mas pinipili raw niyang magsalita kaysa kimkimin ang emosyon.
Sa ngayon, 11 taon nang mag-asawa sina Marian at Dingdong at may dalawa na silang anak, sina Zia at Sixto at masaya ang kanilang pagsasama at never nabalita na may pinagdadaanan.