Advertisers

Advertisers

Press photog nagbuwis ng buhay sa traslacion

0 10,105

Advertisers

Kinumpirma ng Manila Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na nasawi ang isang photojournalist nang mawalan ng malay sa kasagsagan ng Traslacion coverage sa Maynila.

Kinilala ang na pumanaw na si Itoh Son, 54-anyos, photographer ng Saksi at Police Files Tonite at isa sa mga director at opisyal ng Manila Police District Press Corps (MPDPC).

Sa impormasyon ng MDRRMO, nakaranas ng paninikip ng dibdib si Son habang nagkokober ng Traslacion 3:00 ng madaling araw.



Itinakbo si Son sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center nguni’t wala na itong hininga at pulso nguni’t nagawa pa itong ma-revive.

Gayunman, makalipas ang ilang sandali binawian din ng buhay na ayon na rin sa kumpirmasyon ng kanyang kapa-milya.



Samantala, base sa datos ng local disaster office, mayroon ng kabuuang 299 katao ang nilapatan ng medical aid sa kasagsagan ng prusisyon base sa datos 10:00 ng umaga nitong Biyernes.

Sa naturang bilang, nasa 13 ang major cases habang 141 ang nagtamo ng minor injuries.



Nakapagtala rin ng isang insidente kung saan tinangka ng isang deboto na tumawid sa may barrier sa may Quezon Boulevard subali’t nadulas at naunang bumagsak ang kaniyang mukha at nasubsob sa semento. Bunsod nito, nagtamo ng pamamaga at injuries sa kaniyang mukha at limbs.

Muling nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga matatandang deboto na magdoble-ingat, manatiling hydrated at iwasan ang matataong lugar, dahil maaaring magresulta ito sa hirap sa paghinga at pagkawala ng malay dahil sa siksikan o kumpulan ng maraming deboto. (Jocelyn Domenden)