Advertisers
Kritikal ang isang ginang na tindera ng tuyo nang pagsasaksakin ng kapitbahay na lalak sa Fish Port Complex Brgy. Dalahican ng Lucena City sa Quezon, Linggo ng gabi, January 11, 2026.
Ayon report, makikita sa video ng CCTV sa lugar na nag-usap muna ang biktima at ang salarin nang bigla na lamang bumunot ng patalim ang salarin at inundayan ng sunod sunod na saksak ang biktimang babae na nagtamo ng mga sugat sa kanyang balikat, braso, leeg, mukha at ulo.
Natigil lang ang pananaksak ng salarin sa biktima ng awatin ng mga nakasaksi sa nangyaring krimen at agad dinala sa Ospital ng Lucena City ang sugatang biktima at kasalukuyang ginagamot at inoobserbahan ng mga doktor.
Away sa lupa o right of way umano ang pinag-ugatan ng krimen.
Naglatag na ngayon ng hot pursuit at follow up operation ang mga awtoridad ng Lucena City PNP laban sa tumakas na salarin.(Koi Laura)