Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang award-winning director na si Louie Ignacio na excited siyang makatrabaho sa pelikulang “Mantsa” si Ms. Pilar Pilapil.
Idinagdag pa niyang, bilang direktor ay kakaibang challenge sa kanya ang project na ito dahil bahagi ng cast dito ang nasabing veteran actress.
Aniya, “Siyempre kapag nakatrabaho mo ang mga icon ng industry, iyong respect mo sa kanila, kasi tinitingala mo sila eh…. iyong mga great actresses natin ng Philippine Cinema.”
Pagpapatuloy pa ni Direk Louie, “So ngayon, first time ko siyang makakatrabaho, nae-excite ako. Umuwi pa siya from Cebu just to attend to this story conference. Kadarating niya lang from the airport…
“Tapos excited siyang ma-meet kami at first time naming mag-meet ni Tita (Pilar) at talagang sabi ko, ‘Ah, nakaka-challenge ito for me.’ Kasi nag-e-expect siya ng good quality, kasi nandoon si Pilar Pilapil. At hindi gagawa si Pilar Pilapil ng isang ka-cheap-an na pelikula. Kaya, roon ang challenge sa akin.”
Si Ms. Pilar ay gumaganap sa papel na isang lola rito. Nabanggit din niyang markado ang kanyang role.
“It’s a good role. It’s a role that is not very long but markado siya, with a lot of nuances, body language, expressions of the eyes.
“When I get a role, I really read the whole script, not just my role. I want to be in touch with the other characters.” sambit pa ni Ms. Pilar.
Ang Mantsa ay hatid ng Dragon Talent Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Bukod kay Pilapil, tampok din sa pelikula sina Gelli de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Shira Tweg, Bo Bautista, Khai Flores, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rhein Barreto, Miles Poblete, at iba pa.
Ipinahayag din ni Direk Louie ang inaasahan niya sa bawat cast ng kanilang pelikula.
Esplika niya, “Kasi, kahit marami na kayong nagawang poelikula, kapag nagsisimula kayo ng bagong pelikula, panibagong adjustment ito. Walang senior, walang bagong artista rito.
“Bagong project, so kapag ako ang direktor kasi, discipline ang kauna-uanahan. Kapag hindi ka dumarating sa set nang hindi prepared, lumilipad ang script, iyon lang. Kailangan preparado ka na haharap sa akin, kasi matagal nang ibinigay sa inyo ang script. Be professional, that’s it, be professional.
“Sa industriyang ito, walang tumatagal sa unprofessional, mabils bumagsak,” diin pa ni Direk Louie.